FB NG ISANG PARI, GINAGAMIT
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang Boac Marinduque Diocese sa publiko laban sa Facebook page na gumagamit ng pangalan ng isa nilang pari para magsolicit ng pera sa mga tao.
Ayon kay Fr.Wilfredo Magcamit Jr.,chancellor ng Boac Diocese na nanghihingi ng tulong pinansyal ang naturang socioal media page na gamit ang pangalan ni Fr. Ramon Magdurulang.
Base sa umano sa post, gagamitin ang malilikom na pera sa umanoy pag-oordina sa isang Rev.James Calma ng Rogationist of the Child Jesus sa Disyembre 10,2020 kung saan pinapahulog sa Gcash at Palawan sa numerong 09155259175.
Ayon sa Diocese, nang iberipika ,nalaman nakarehistro ang cellphone number sa isang John Blake N na halos kapareho sa John Balle Navarro na gumamit din ng pangalan ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr,noong 2017 na humingi naman ng tulong mula sa VSM realty Corporation sa General santos City.
Nanawagan ang Diocese na huwag pansinin ang anumang mensahe o friend request ng nasabing facebook account at nagpaalala rin sa publiko na mag-ingat sa pakikipag-usap sa social media gayundin iberipika kapag may kahina-hinalang fund raising activities ang isang indibidwal. (GENE ADSUARA)