BEBOT PATAY, 1 SUGATAN SA LOOB NG MANILA NORTH CEMETERY
- Published on February 16, 2023
- by @peoplesbalita
PATAY ang isang 33-anyos na dalaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng Manila North Cemetery habang sugatan din ang kasamahan nito, Martes ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Marivic Quiso y Reyes, alyas Bechay, ng 78 Maria Clara St., Banawe,Quezon City.
Inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Hospital ang kasamahang sugatan na si Judy Ann Francisco y Zapata,28,waitress at residente naman sa loob ng MNC.
Sa ulat ni Manila Police District (MPD)-Homicide Chief, PCpt Dennis Turla, nakaupo lamang ang dalawang biktima sa may 29th Street ng nasabing sementeryo nang dumating ang suspek at armado ng baril saka pinagbabaril si Reyes na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.
Habang tinamaan din ng bala si Zapata na pinagtulungang isugod sa pagamutan ng mga bystanders.
Patuloy ang isinasagawang follow up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng lalaking suspek na nakasuot ng all black na cap,jacket ,short pants at naka-tsinelas.
Inaalam na rin ng pulisya kung ano ang motibo ng suspek sa pamamaril sa biktima. GENE ADSUARA