PBBM, pinayagan ang adopsyon ng hybrid rice para palakasin ang pag-ani ng pananim
- Published on February 16, 2023
- by @peoplesbalita
PINAYAGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-adopt sa hybrid rice bilang “better alternative” sa inbred variety para itaas ang crop production.
Ito’y makaraang makipagulong si Pangulong Marcos sa SL Agritech Corporation (SLAC), kung saan ang tumayong kinatawan ay si SLAC chairman at chief executive officer (CEO) Henry Lim Bon Liong, at mga magsasaka mula sa Central Luzon para tugunan ang mga hamon na kinahaharap ng industriya ng bigas.
Sa isang pulong sa Malakanyang, ang SLAC, isang pribadong kumpanya na may kaugnayan sa “research, development, production, at distribution” ng hybrid rice seeds at premium quality rice, ay inirekumenda ang conversion ng rice farming areas para sa certified seeds (CS) para sa hybrid seeds.
Ang panukala ng SLAC ay “to convert 1.90 million hectares target areas planted with CS to hybrid seeds in four years.”
Sinabi naman ni Pangulong Marcos na kanyang ipatutupad ang programa para i-promote ang nasabing pagpapalit sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidiya at gawing madali ang pagpapautang sa mga magsasaka.
Maliban sa kanyang pangako na mas palakasin pa ang financial support sa mga local farmers sa pamamagitan ng loan financing program, nangako ang Pangulo na i-apply ang “best practices” na ginawa ng Central Luzon farmers sa ibang lugar sa bansa.
“We would like to apply kung ano ‘yung ginagawa ninyo dito sa Central Luzon… so we can apply sa ibang areas,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)