MOA sa pagitan ng Kamara at Philippine National Red Cross para sa blood donation program, nilagdaan
- Published on February 15, 2023
- by @peoplesbalita
NILAGDAAN ng Kamara at at ng Philippine Red Cross (PRC) ang isang Memorandum of Agreement (MOA), para sa pagsasagawa ng mga serye ng mga aktibidad sa donasyon ng dugo, sa mga oras at petsa na mapagkasunduan at pipiliin ng magkabilang panig.
Sa ilalim ng MOA, magkakaroon ng aktibidad para sa blood donation na kaganapan na hindi bababa sa bawat tatlong buwan upang ang mga miyembro ng HRep, ang Secretariat, congressional staff, at mga benepisyaryo na itatalaga ng HRep ay madaling makakuha ng dugo kung kinakailangan sa loog ng isang taon.
Ang PRC ay gagawa ng mga naaangkop na hakbang upang magkaloob at maglaan ng sapat na mga yunit ng dugo sa mga miyembro ng HRep, Secretariat, congressional staff, at mga itinalaga na tatanggap ng HRep sa isusumiting mga kinakailangang dokumento sa kaso ng emergency o karaniwang pangangailangan ng dugo.
Nilagdaan ito nina HRep Secretary-General Reginald Velasco, sa ngalan ng Kapulungan, at PRC Secretary-General Dra. Gwendolyn Pang, sa ngalan ng PRC.
Si House Sergeant-at-Arms (SAA) MGen. Napoleon Taas (Ret.), Ernesto Isla ng PRC Board of Governor, gayundin ang Chapter Administrator ng PRC-Quezon City Janice Meldoy Adolfo, RN, ay lumagda rin bilang mga saksi sa MOA.
Ayon sa MOA, ang HRep ay magsisilbing parehong lokasyon para sa blood donation activities at tagapagbigay ng mga pagkain para sa mga empleyado ng PRC, habang ang PRC ay responsable sa pagbibigay ng mga sumusunod: 1) personnel at equipment para sa blood donation activities; 2) mga suplay, materyales, at kagamitan para sa pagkuha ng dugo; 3) angkop na kagamitan sa pag-iimbak para sa kinuhang dugo; at, 4) pagsasagawa ng mga kinakailangang pamamaraan sa pagsusuri ng mga donor ng dugo.
Isinasaad pa sa MOA na ang HRep ay itatakda ng maaga ang pagsasagawa ng mga donation activities na ito.
Ang MOA ay mananatili sa buong puwersa at bisa sa loob ng isang taon maliban kung bawiin sa nakasulat na pahintulot ng mga sangkot. (Ara Romero)