PUBLIC SCHOOL STUDENTS, NABIYAYAAN NG CASH ASSISTANCE
- Published on February 9, 2023
- by @peoplesbalita
NABIYAYAAN ng cash assistance ang may 935 public school students ng lokal na pamahalaan lungsod nitong Martes.
Ito na ang ikalawang batch na cash assistance sa ilalim ng Educational Assistance Program (EAP) at naipamahagi sa koordinasyon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa San Andres Complex, Manila.
Ayon sa Manila LGU, ang mga benepisyaryo ay binubuo ng Grade 1 hanggang Senior High School public school students mula Baseco at una hanggang ikalimang distrito sa lungsod.
Bawat mag-aaral ay nakatanggap ng P5,000, na layong makatulong sa gastusin sa kanilang pag-aaral educational.
Pinaalalahanan naman ng Manila LGU ang magulang ng mga estudyante na gamitin ang cash aid para sa pag-aaral ng kanilang mga anak at hindi para sa pagbabayad ng mga utang. GENE ADSUARA