Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, inihirit ng commuters na ibalik
- Published on January 28, 2023
- by @peoplesbalita
MULING inihirit ng mga regular commuters na maibalik na ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel.
Ayon sa mga regular commuters, ramdam na nila sa ngayon ang epekto ng pagtatapos ng free rides sa carousel, lalo na ang malalayong biyahe.
Mahigit P100 kada araw umano ang kailangan nilang ilaan ngayon sa pamasahe, na matitipid na sana nila at mailalaan sa ibang mas importanteng bagay kung maibabalik lamang ang libreng sakay.