Rafael Nadal nahirapan kontra kay Jack Draper
- Published on January 19, 2023
- by @peoplesbalita
Tatlo’t kalahating oras ang kinailangan ni Rafael Nadal bago nakumpleto ang 7-5, 2-6, 6-4, 6-1 win kay 21-year-old Jack Draper sa round 1 ng Australian Open nitong Lunes.
Mukhang may kalawang pa ang Spaniard sa mga unang yugto ng paluan sa Rod Laver Arena pero nang makuha ang ritmo sa fourth set ay nagtuloy-tuloy na.
Nakaiwas si Nadal sa upset, kung nagkataon ay una sanang defending champion ang Spaniard na napatalsik sa first round pagkatapos ni Boris Becker noong 1997 – ang kumalos kay Becker ay si Carlos Moya, coach na ni Nadal ngayon.
“I need a victory, so that’s the main thing,” bulalas ni Nadal, 36. “Doesn’t matter the way.”
Sunod na makakatapat ni Nadal si Mackie McDonald, dating NCAA champion mula UCLA.
Nilaktawan ni McDonald si Brandon Nakashima 7-6 (5), 7-6 (1), 1-6, 6-7 (10), 6-4 sa match na inabot ng 4 hours. (CARD)