Alyssa Valdez matindi ang determinasyong makabalik sa paglalaro
- Published on January 19, 2023
- by @peoplesbalita
Matindi ang pagnanais ni Alyssa Valdez na makabalik sa wastong porma sa lalong madaling panahon para makasabak sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa February at sa Cambodia 32nd Southeast Asian Games sa May.
Siniguro ng 29-anyos, 5’9’ ang taas na dalagang outside hitter ng Creamline sa kanyang mga tagahanga na ginagawa niya ang mahusay na therapy at pag-aalaga sa sarili para agad gumaling makaraang magka-right knee injury noong December sa Cool Smashers-Chery Tiggo game.
“I am not wasting time to be able to recover but we are making sure na it will not go to waste,” giit ni ‘Phenom’ sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Martes sa Philippine Sports Commission (PSC) conference room ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Hinirit ni Valdez sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, PSC, Philippine Olympic Committee (POC), at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na kasama sa kanyang motibasyon at inspirasyon habang nagpapagaling ang makatawan uli ang bansa sa 11-nation, biennial sportefst.
“Yes po, isa po iyun sa aking matinding inspirasyon sa ginagawa ko po na paunti-unting pagpapagaling kasi po gusto ko po talaga na mairepresenta ang Pilipinas lalo na sa SEA Games. Malapit na po iyun kaya po sinisiguro namin ang pinakatamang direksyon na makabalik po ako sa paglalaro,” panapos na sey ng Batangueña mula sa San Juan at produkto ng Ateneo Blue Eagles. (CARD)