Amit at Centeno tatako sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball
- Published on January 16, 2023
- by @peoplesbalita
PUNTIRYA nina Philippine pool queens Rubilen Amit at Chezka Centeno na tuldukan ang pagkauhaw ng bansa sa titulo pagsabak sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball Championship sa Jan. 19-22 sa Atlantic City, New Jersey.
Umalis sina Amit, 41, ng Cebu, at Centeno, 23, ng Zamboanga para sa isang misyong makopo ang unang kampeonato ng mga Pinay na nagkahalaga ng $30K (P1.6M) sa apat na araw na pasarguhan ng World Pool-Billiard Association (WPA).
Pero nahaharap sa mabigat na laban ang dalawang tumbukera ng bansa kontra sa 62 iba pang mga astig ding cue atist sa iba’t ibang panig ng mundo sa torneong may aktuwal na kabuuang papremyong $148K.
Isa sa mga astig na kalahok dito na magbabalik matapos ang apat na taong pagliban dahil sa pandema ay si Brit Kelly Fisher, na tinalo ang Austrian na si Jasmin Ouschan sa pagrereyna sa huling huling ediyon sa Sanya, China noong 2019.
Naabot ni Amit ang Final 4 sa parehong edisyon pero nabigo kay Ouschan, 9-2. Pinakataas na tinapos ng ‘Pinas ang segunda sa pamamagitan din ng Cebuana player noong 2007 sa Taiwan na pinamayagpagan ni Chinese Pan Xiaoting.
Ang torneo ay magpapatupad ng double-elimination format na race-to-7, winner breaks matches, pa-final-16 paiiralin ang knockout, race-to-9 system.
Magkadikti sina Amit at Centeno sa world rankings sa pagpanlima at pangwalong puwesto sa WPA, ayon sa pagkakasunod.
Motibasyon ni Amit sa korona ang kakulangan nito sa koleksiyon niya tapos na makopo ang dalawang world 10-ball crown, 10 SEA Games gold medal, at isang world 10-ball team title noong nakaraang taon nang makipaggsanib-puwersa kina Carlo Biado at Johann Chua sa Klagenfurt, Austria. (CARD)