Mga bagong talagang opisyales, nanumpa kay ES Bersamin
- Published on January 6, 2023
- by @peoplesbalita
NANUMPA sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ilang mga bagong opisyal na naitalagang manilbihan sa administrasyong Marcos.
Kasama sa mga nasabing bagong opisyal si retired Police General Gilbert D. Cruz na nanumpa bilang Undersecretary ng Presidential Anti – Organized Crime Commission (PAOCC).
Si Cruz ay nanilbihan din dati sa Dangerous Drugs Board bilang permanent member nito at naging director din ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Bukod kay Cruz, isa pang nanumpa kay ES Bersamin ay si Atty. Rogelio D. Peig II.
Kasunod naman ito ng pagkakatalaga sa kanya bilang Undersecretary for Strategic Action and Response Office sa ilalim ng tanggapan ng Executive Secretary. (Daris Jose)