Drug pusher nalambat sa Caloocan buy bust, P340K shabu, nasamsam
- Published on December 27, 2022
- by @peoplesbalita
PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jonnel Estomo ang Caloocan City Police sa kanilang matagumpay na kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa isa umanong notoryus drug pusher na listed bilang High-Value Individual (HVI) at pagkakakumpiska sa higit P.3 milyon halaga ng shabu.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong msuspek bilang si Jovanie Monis alyas “Vanie”, 42 ng Bagong Silang, Brgy 176, ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-5:40 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Phase 10 B, Kalayaan St, Barangay 176, Bagong Silang matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa talamak na pagbebenta umano ng suspek ng illegal drugs.
Agad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos bintahan ng P52,500 halaga ng umano’y shabu ang isang undercover police poseur-buyer.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 340,000.00; at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 52 pirasong P1,000 boodle money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)