• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AUSTRALIAN HACKER, DI PINAPASOK SA BANSA

PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Australian hacker na nagtangkang pumasok ng Pilipinas.

 

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, na nasabat ng pamunuan ng BI’s Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang tangkang pagpasok ni Risteski Borche, 40, sakay ng isang Cebu Pacific flight mula  Sydney sa  Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong December 21.

 

 

 

Risteski na isang  Australian ay origin ng  Macedonian, ay kabilang sa Interpol alert.

 

 

 

Sinasabi na si  Risteski ay wanted sa Macedonia dahil sa di awtorisadong pag-hack  nito sa computer system na isang paglabag sa Article 251  ng criminal code sa Republika ng Macedonia. At nahaharap sa apat na taon na pagkabilanggo sa nasabing bansa.

 

 

 

Dahil dito, pinagbawalan siyang pumasok ng bansa at kasama ang kanyang pangalan sa BI’s blacklist. GENE ADSUARA