PBBM, kinilala ang naging ambag ng DSWD sa ginagawang pagtulong nito sa mga tao
- Published on December 24, 2022
- by @peoplesbalita
KINILALA ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagtulong nito sa mga mamamayan na nangangailangan. Sa isinagawang Pangkabuhayan at Pamaskong Handog Ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayang Pilipino na ginawa sa Rizal Park, tinuran ni Pangulong Marcos na isa ang DSWD sa mga ahensiya ng gobyerno na maituturing na 24/ 7 sa pagta- trabaho.
Makikita aniya ang presensiya ng DSWD sa panahon ng mga kalamidad gaya ng bagyo, lindol at Iba pa.
Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na walang kinikilalang holiday ang bagyo, lindol at baha kaya’t sinasabayan naman aniya ito ng mga taga -DSWD sa pamamagitan ng pagtulong aa mga nasalanta.
Dahil dito, Nagpasalamat ang Pangulo para sa mga taga – DSWD sa nakalipas na anim na buwan dahil sa patuloy na pagtulong ng mga ito sa mga mamamayang Filipino.