• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghuli sa pasaway na motorista sa Undas, tigil muna – LTO

PANSAMANTALANG itinigil ng Land Transportation Office (LTO) ang panghuhuli ng mga pasaway na motorista sa panahon ng Undas.

 

 

Ayon kay LTO chief Teofilo Guadiz, wala munang pa­ng­huhuli ng mga pasaway na motorista ang LTO operatives sa panahon ng paggunita sa Undas kundi tututukan nila ang pagbibigay assistance sa mga motorista.

 

 

Gayunman, sinabi ni Guadiz na kung may mabigat na paglabag sa traffic law  ang motorista tulad ng makikitang  defective  headlights at  kalbo ang gulong ng mga sasakyan ay  hindi  papayagan ng LTO na ang sasakyan na makabiyahe.

 

 

Hanggang November 4 nakakalat ang mga operatiba ng LTO sa NCR at mga lalawigan para magbigay ng  alalay sa mga motorista kaugnay ng ‘Oplan Biyaheng Ayos Undas 2022’.

 

 

Sa ilalim nito masusing babantayan ng mga elemento ng LTO ang mga aktibidad sa  main thoroughfares at transport terminals sa NCR at  sa mga lalawigan .

 

 

Kahapon may tatlong pampasaherong bus na ­ininspeksyon ng LTO sa NCR ang hindi pinabiyahe dahil sa ilang violations tulad ng pagkasira ng signal light at walang mga sticker ng PWD, no smoking at seatbelt, hindi nakaparenew ng rehistro, defective reverse light, defective wiper, broken side mirror at  broken window glass.  (Daris Jose)