• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Serena Williams nagpahiwatig ng pagbabalik sa tennis

NAGPAHIWATIG ng kanyang paglalaro muli si US tennis star Serena Williams.

Sinabi nito na hindi pa ito tuluyang nagreretiro.

Dagdag pa ng 41-anyos na si Williams na may malaking tsansa na ito ay muling makapaglaro sa tennis.

Hindi naman nito binanggit kung kailan ito muling maglalaro sa mga torneo.

Magugunitang noong Agosto ay inihayag nito na siya ay lalayo muna sa paglalaro ng tennis.

Bagama’t hindi naman nito kinumpirma na ito ay tuluyang magreretiro ay hindi niya inaalis ang pagbabalik sa laro.