Tsina, hindi magdadala ng giyera, kolonisasyon sa Pinas- envoy
- Published on October 27, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na hindi magdadala ng giyera at kolonisasyon ang Tsina sa Pilipinas.
Sa halip, ang bibitbitin aniya ng Tsina ay kooperasyon at pagkakaibigan lalo pa’t ang daan na tinatahak ng Tsina ay modernisasyon.
Sa kabilang dako, sa gitna ng hindi pa rin nalulutas na usapin ukol sa South China Sea, naniniwala si Huang na normal lamang para sa dalawang bansa ang magkaroon ng differences o hindi pagkakaintindiha kahit pa ‘neighbors’ pa ang mga ito.
“But the key for this is to “place differences in the proper position of China-Philippines relations” as well as “not let them affect or even sabotage the overall situation of the relations between the two countries.”ayon kay Huang.
Sa Pandesal Forum, nagbigay ng kasiguraduhan si Huang na bahagi ng peaceful development sa Tsina ay ang i-promote ang pagsisikap ng Tsina at Pilipinas na kapit-bisig na panatilihin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
“China and the Philippines are good neighbors, good relatives, and good partners, and traditional friendship has a long history,” ayon kay Huang. (Daris Jose)