• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagpaabot nang pagbati sa PSG ukol sa pagtatapos sa isinagawang VIP Protection Course

NAGPAABOT nang pagbati kasabay ng pagpuri si  Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. sa  Presidential Security Group (PSG) hinggil sa ibinigay nitong serbisyo at ipinakitang dedikasyon  sa ngayon at sa nakalipas na taon.

 

 

Sa naging mensahe ni Pangulong Marcos ukol sa pagtatapos sa isinagawang  VIP Protection Course ng PSG,  tinuran nito na hindi lamang  kapuri- puri ang debosyon ng PSG na mapangalagaan siya at ang First family kundi pati na ng iba pang VIPs.

 

 

Nakiisa naman sa nasabing okasyon si Presidential son Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos na tumayong kinatawan ng kanyang ama at nagpaabot din ng kanyang mensahe.

 

 

Sa kabilang dako, kasama naman sa mga nagsipagtapos sa  VIP Protection Course at bahagi ng Classes 129-2022 and 130-2022 ay ang aktor na si Mateo Guidicelli.

 

 

Winika ni  2nd Lt. Guidicelli, isang malaking karangalan na siya’y bahagi na ng Presidential Security Group matapos na mapiling sumailalim sa naturang pagsasanay at maging parte na ng elite force na magngangalaga sa Presidente at sa  First family.

 

 

Si Guidicelli na isang reservist Ng Philippine Army ay Ang kauna-unahang celebrity  reservist na magiging miyembro ng Presidential Security Group.

 

 

Samantala, sinaksihan naman ni Philippine Popstar Royalty Ms. Sarah Geronimo-Guidicelli, asawa ni Guidicelli ang  pagtatapos ng huli sa kanyang VIP Protection Course. (Daris Jose)