• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-Pres. Arroyo, bagong Pres’l Adviser on Clark Programs and Projects – Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Presidential Adviser on Clark Programs and Projects.

 

Ito ang kinumpirma ni Sen. Bong Go.

 

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Arroyo noong November 25.

 

Inihayag ni Sen. Go, piso ang matatanggap na kompensasyon ni Arroyo kada taon.

 

Magugunitang pagkatapos ng termino bilang Pangulo ng bansa, nagging kongresista si Arroyo ng Pampanga. (Richard Mesa)