P500k hanggang P4m penalty sa lalabag sa data privacy
- Published on October 14, 2022
- by @peoplesbalita
TINATAYANG aabot sa P500k hanggang P4 milyong piso ang posibleng kaharaping penalty hinggil sa paglabag sa data privacy alinsunod na rin sa kamakailan lamang na nilagdaang SIM card registration Act.
Ito ang inihayag ni DICT Secretary John Ivan Uy sa Laging Handa public briefing sa gitna ng ginagawang pagbalangkas sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng SIM card registration Act.
Ani Uy, kailangan lang na mai- outline kung anu- anong paglabag ang babagsak sa range ng penalty na ipatutupad ukol sa bagong batas na kung saan ay tinitiyak na mapapangalagaan ang data privacy ng isang nagmamay- ari ng sim card.
Responsibilidad aniya ng mga telcos ang pag- iingat ng anumang impormasyon ng kanilang subscribers.
Ang mga ito aniya ang primary repository ng anumang data ng isang subscriber lalo na ang mga post paid clients nila na ayon kay Uy ay matagal na nilang hawak .
Kaya aniya kung may data leak man na mangyayari ay may kailangang sagutin dito ang mga telcos. (Daris Jose)