Commuters, motorcycle taxi drivers panalo sa Grab-MoveIt deal – consumer group
- Published on October 12, 2022
- by @peoplesbalita
PINURI ng isang consumer group ang pakikipagtambalan ng Grab Philippines sa motorcycle taxi firm na MoveIt dahil anito’y makatutulong ito upang lalong maibsan ang paghihirap sa pagbibiyahe ng mga Pinoy commuter, lalo na sa Metro Manila.
Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3), ang investment deal sa pagitan ng Grab at MoveIt ay isang magandang balita rin para sa mga motorcycle taxi driver na nakadepende ang kita at kabuhayan sa iba’t ibang ride-hailing apps.
Ang motorcycle taxis ay nasa proseso na ng pagsasa-legal bilang isang anyo ng public transportation at ang operasyon ng mga ito sa kasalukuyan ay isang pilot study pa lamang.
“Dagdag-hirap lalo na kapag rush hour na. Malaking tulong ang dagdag bilang ng mga motorcycle taxis ng MoveIt para gumaan kahit paano ang paghihirap ng mga mananakay at maiangat ang kalidad ng kanilang araw-araw na pamumuhay,” dagdag niya.
Sinabi ni Montemar na siguradong makatutulong ang mga karagdagang MoveIt riders sa pampublikong transportasyon sa National Capital Region na problematiko na bago pa magkapandemya.
Para sa convenor ng BK3, ang Grab-MoveIt investment deal ay isang pagmamalas ng “tunay na malasakit sa ating mga kababayan na araw-araw na sumasakay sa mga pampublikong transportasyon.” (Daris Jose)