• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:01 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao-Crawford fight pang-drumbeat sa FIFA World Cup

Sakaling maikasa ang laban, planong dalhin ang mega fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Te­rence Crawford sa Doha, Qatar bilang bahagi ng drumbeating para sa 2022 FIFA World Cup.

 

Ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum, nakikipag-ugnayan na ito sa ilang matataas na opisyales ng Qatar upang maikasa ang Pacquiao-Crawford fight.

 

Kabilang na sa mga kinakausap ni Arum ang chief organizer ng 2022 FIFA World Cup na si Hassan Al-Thawadi na tinukoy nitong malaki ang interes sa boksing partikular na kina Pacquiao at Crawford.

 

“He’s a big fight fan. He really is very enthusiastic,” ani Arum.

 

Naghahanda ang Qatar sa pinakamalaking torneong iho-host nito — ang FIFA World Cup na dadaluhan ng world-class football teams sa buong mundo.

 

Itinuturing itong kalebel ng Olympic Games dahil ang football ang pinakapopular na sport sa buong mundo.

 

Kaya naman ginagawa ng Qatar ang lahat upang maging matagumpay ang FIFA World Cup na idina­daos lamang tuwing kada apat na taon.

 

At isa ang Pacquiao-Crawford fight sa mga nakikitang posibleng makatulong sa pag-iingay para sa FIFA World Cup.