• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

32 siyudad at bayan, isinailalim sa State of Calamity dahil kay bagyong Karding

KASALUKUYANG nasa  32 mga lungsod at munisipalidad ang nasa ilalim  ngayon ng state of calamity.

 

 

Ito ang inihayag  ni Press Secretary Atty Trixie Cruz-Angeles sa gitna ng patuloy na assessment na ginagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa bagyong Karding.

 

 

Wika ni Cruz-Angeles, may 60, 817  katao ang apektado ng bagyong Karding   kung saan, 46,000 ang nananatiling nasa iba’t ibang evacuation centers.

 

 

Gayunman, sinabi ni Cruz-Angeles na ‘minimal’ pa rin ang naging epekto ng bagyo partikular na  sa buhay ng 8 indibidwal na nasawi.

 

 

Malaking bagay aniya ang ginawang maagang paglilikas ng mga tao dahilan para hindi naman ganoon kataas ang bilang sa  death roll. (Daris Jose)