PAALALA SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS
- Published on September 28, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAALALA ang Department of Health o DOH sa publiko sa mga nakukuhang sakitĀ lalo na ang leptospirosis dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyong Karding.
Sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na bunsod ng bagyo, marami ang lumusong sa baha at nag-evacuate kaya inatasan nito ang lahat ng lumusong sa baha na magtungo sa kanilang health centers upang mabigyan ng gamot prophylaxis upang maagapan ang posibilidad na pagkakasakit ng leptospirosis.
” Yung preventive measures natin for specific diseases atin pong pinaalala at isa dun itong leptospirosis”, pahayag pa ni Vergeire
Paalala rin ni Vergeire na kailangang maglinis ng kapaligiran para ang banta ng leptospirosis ay mawala rin.
“Tandaan po natin, nakukuha ang leptospirosis most common dito sa ating bansa through the urine ng isang daga na maaring andun siya sa basurahan, nagbaha, nakasama siya dun sa tubig baha” , ani Vergeire
Kung may kaunti aniyang sugat at lumusong sa tubig baha ay maaring makuha ang leptospirosis. (Gene Adsuara)