Kung anu-anong isyu na ang lumutang: Relasyon nina ZANJOE at RIA, patuloy na pinagdududahan
- Published on September 19, 2022
- by @peoplesbalita
ANO nga ba at ‘di mamatay-matay ang issue between Zanjoe Marudo and Ria Atayde? Ando’ng mapabalitang sila na ang magkarelasyon, o diumano’y nagpakasal na sa kung saang lupalop ng daigdig and lately may mga tsika pang umalis ng bansa ang dalaga dahil infanticipating daw ito at itatago ang pangangaganak sa kung saan.
Ang totoo? Parang wala sa ganito
ng punto ang pagkakakilala ng dalawa…
Safe to say they are still in that getting to know you stage at sa pagkarinig namin si Mr. Marudo is letting his presence felt pero no “I Love You” yet.
And if ever na mas lumalim pa sa rito ang relasyon ng dalawa, eh ano naman?
Ria is not a 16 year old high school anymore at kung sakali mang gusto nitong magka-baby na eh nasa edad na naman ito…
And I bet, kung magkakaganoon man kayang-kayang buhayin ng dalaga at ng kanyang angkan ang kahit ilan mang sanggol na iluluwal ng magandang anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde…
So ano pang dapat ipag-Marites here???
(ARGEE GASPAR)