• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction ng $11 B Sangley airport deal nakuha ng Yuchengco lead-group

ISANG consortium na pinangungunahan ng Yuchengco Group kasama ang Cavitex Holdings at grupo ni Lucio Tan sa ilalim ng MacroAsia Corp. ang nakakuha para sa pagtatayo ng $11 billion na Sangley Point International Airport (SPIA).

 

Nakuha ng consortium kasama ang mga foreign partners nito mula sa provincial government ng Cavite ang notice of award sa pagsisimula ng pagtatayo ng SPIA.

 

“We are very pleased and honored to partner with the provincial government of Cavite in developing the Sangley Point International Airport, and transform it into a fully modernized, world class and green airport that will be a source of pride not only for Cavitenos but the entire Filipino people,” wika ng consortium.

 

Isa sa mga consortium ay ang Cavitex Holdings na siyang may kaalaman at expertise sa infrastructure development habang ang Yuchengco Group, sa pangunguna ng House of Investments, ay magbibigay din ng kanilang kaalaman sa engineering at construction, property development, at financial services sa pagbuo ng mga large-scale na proyekto tulad ng SPIA.

 

Ang Tan-owned naman naMacroAsia Corp. ay tutulong sa logistics at technical services na gagamitin sa aviation support.

 

Kasama rin sa consortium ang Samsung C&T Corp. sa ilalim ng Samsung Group na siyang builder ng kilalang Burj Khalifasa Dubai at isa sa mga pangunahing global airport construction companies. May mahigit na 40 na taon ang kanilang karanasan sa engineering at construction sa buong mundo, Sila ang gumawa ng Incheon International Airport, Mongolia, New Ulaanbaatar International Airport, Taiwan at ang expansion ng Taoyuan International Airport Terminal 3 na sangayon ay tinatapos pa.

 

Habang ang Ove Arup & Partners Hong Kong ay kaisa rin sa consortium na may expertise sa land reclamation at proyekto sa mga airports na ginawa nila sa Kansai International Airport, New Kunming International Airport, Dalian Airport, Western Sydney Airport, New Istanbul Airport, New Mexico City International Airport.

 

Ang provincial government ng Cavite ang siyang lead proponent at implementing agency ng nasabing project na sumusuporta sa Department of Transportation’s (DOTr) multi-airport strategy upang ma-decongest ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na isang pangunahing international gateway sa bansa. Ang passenger volume sa NAIA ay mataas na ng 40 percent mula sa design capacity nito na 31 million na pasahero kada taon.

 

Mayroon nitong 1,500-hectare na isang master-planned international airport hub na gagawan ng two runways, airside at landside facilities na may initial na pasaherong 75 million na madadagdagan pa hanggang 130 million na pasahero kada taon dahil sa expansion na maaaring gawin. Inaasahang magiging katulad ito ng Singapore’s Changi International Airport, Hong Kong International Airport, at South Korea’s Incheon International Airport. LASACMAR