Pagpapalabas ng P1.5B augmentation funds para sa mga LGUs na matinding sinalanta ng bagyong Ulysses
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang P1.5 billion na augmentation funds para sa local government units (LGUs) na matinding tinamaan ng bagyong Ulysses.
Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na hiwalay ang P1.5 billion augmentation fund sa ibinigay na pondo para sa CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol, mga rehiyon na sinalanta naman ng mga bagyong Quinta at Rolly.
“Katulad din po sa Typhoon Quinta and Rolly, aside from the P1.5 billion, meron din pong buffer na P500 million para po kung meron pang mga LGU na hindi naisama sa report, mabibigyan din po sila,” ayon sa Kalihim na ang tinutukoy ay ang nga lugar na apektado ng bagyong Ulysses.
Ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Sec. Avisado na ipalabas ang pondo sa LGUs.
“If the papers have been released already pending my signature, you can release. I will sign it now,” aniya pa rin.
Sinabi pa ng Kalihim na ang pera ay agad na ipalalabas ng Bureau of Treasury, ngayong araw ng Martes.
Napaulat na dahil sa bagyong Ulysses ay may 73 katao ang namatay habang milyong katao naman ang nailikas ayon sa national disaster management council. (Daris Jose)