LOCAL CASE NG MONKEYPOX, DI PA MAKUMPIRMA
- Published on September 2, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI pa makumpirma ng Department of Health (DOH) kung may local case na ng monkeypox sa bansa o wala pa.
Ito ayon sa DOH ay dahil hindi pa makumpleto ang history ng ikaapat na kaso ng naturang sakit na mula sa Iloilo.
Ani Vergeire sa press briefing, hanggang ngayon ay hindi pa mabatid kung may nakasalamuha itong foreign o ibang tao na galing sa ibang bansa.
“Sa ngayon we can not confirmed kung tayo ay local case na ba ito o hindi na imported case . So we will be informing the public kung may nakuha na tayong impormasyon”, sabi ni Vergeire
“Pero it is not also right for the DOH to confirm already and announced that this is a local case since we can not complete the history of the patient up until now”, dagdag pa ng opisyal.
Sinabi nito na nanatili pa rin ngayon sa apat ang kaso ng monkeypox sa bansa at wala pang bagong na-detect o nagpositibo base sa ginawang sample collection at testing .
Dagdag niya, ang close contact ng case no.4 ay walang sintomas lahat.
“Naka-quarantine po ang apat, isa po ay nagse-self monitor tapos yung isa po ay continuously assisting the patient” , ani Vergeire
Natuto na rin aniya ang mga leksyon ng ikaapat na kaso at patungo na sa recovery ngunit kailangan pa rin nitong tapusin o kumpletuhin ang kanyang isolation period. (Gene Adsuara)