• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:08 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM kinilala ang manggagawa, magsasaka sa National Heroes’ Day

KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magsasaka at mga manggagawang Filipino na tinawag niyang mga makabagong bayani ng kasalukuyang panahon.

 

 

Sa kanyang talumpati sa paggunita ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City, sinabi ni Marcos na naging mas mabuti ang kalagayan ng bansa sa ngayon dahil sa mga makabagong bayani ng ating panahon.

 

 

“Sa araw na ito, pinararangalan natin ang ating mga makabagong bayani ng ating panahon dahil sa kanilang malasakit at kabutihang loob naging mas mabuti ang kalagayan ng ating bansa ngayon,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na kinikilala niya ang mga magsasaka at agricultural workers na buong araw ay nagsisikap upang matugunan ang pangangailangan para sa seguridad sa suplay ng pagkain.

 

 

Pinasasalamatan din ng Pangulo ang mga sektor ng kalakalan at industriya na nangunguna aniya sa landas tungo sa maunlad na ekonomiya.

 

 

“Dahil sa kanilang sakripisyo, gumaan ang mga suliranin pinapasanan natin sa buhay at sa lipunan. Inialay nila ang kanilang lakas at kakayahan hindi para sa papuri o gatimpala kung hindi upang pagtibayin ang diwa ng pagkakaisa at upang makamit ang ating mga pangarap para sa bayan,” ani Marcos. (Daris Jose)