• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:16 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P139K shabu nasabat sa Navotas buy bust, 4 kalaboso

MAHIGIT P.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babae matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Paltok St, Brgy. Daanghari kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng P500 halaga ng shabu sa kanilang target na si Gregorio Rico alyas “Gorio”, 50, (pusher/listed).

 

 

Nang tanggapin ni Rico ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama si Renante Reyes alyas “Nante”, 47, (user/listed) na nakuhanan din ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 11 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 74,800.00, marked money at P500 recovered money.

 

 

Dakong ala-1:35 ng madaling araw nang maaresto din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Rosal St., Brgy. San Roque sina Joven Condeno alyas “Bicol”, 43, (pusher/listed) at Melani Dela Cruz alyas “Lani”, 43, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur-buyer.

 

 

Narekober sa kanilang ang nasa 9.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 64,600.00, marked money at P700 recovered money.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002. (Richard Mesa)