Presyo ng asin tumaas, pero suplay sapat – DTI
- Published on August 27, 2022
- by @peoplesbalita
IDINEPENSA ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangangailangan ng pagtataas ng presyo ng asin sa mga pamilihan at supermarkets.
Sa Laging Handa public briefing, iginiit ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na ang mga gumagawa ng asin ay may anim na taon nang hindi nagtataas ng presyo kaya dapat maintindihan ang ginawang pagtataas ng presyo ng mga ito na kanila namang pinagbigyan.
Batay sa mga ulat, nagtaas ng P0.75 hanggang higit P3.00 ang presyo sa rock salt at iodized salt.
Paliwanag pa ni Castelo hindi kapos ang supply ng locally produced na asin sa bansa kailangan lang talaga may bahagyang taas sa presyo.
Aniya, may apat na malalaking kumpanya ang gumagawa ng asin sa bansa habang mayroon din mga imported kaya hindi magkukulang ang suplay nito. (Daris Jose)