• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 3:36 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Ligtas, payapa sa ngayon’: DepEd positibo sa unang araw ng face-to-face classes matapos ang 2 taon

WALA pang mga major na insidenteng nangyari sa mga eskwelahan sa pagbubukas ng libu-libong harapang mga klase ngayong araw — ito matapos maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

“Sa ngayong umaga, wala pa po kaming natatanggap na major incidents or challenges,” wika ni Department of Education spokesperson Michael Poa.

 

 

Patuloy naman daw minamanmanan ng regional directors ng DepEd ang sitwasyon sa mga eskwelahan sa buong Pilipinas sa ngayon.

 

 

Biyernes nang sabihin ni Poa na aabot sa 24,765 o 46% ng mga pribado at pampublikong paaralan ang magpapatupad ng in-person classes ng limang araw habang 29,721 eskwelahan naman o 51.8% ang magpapatuloy sa blended learning modality.

 

 

Batay sa datos ng DepEd, umabot sa mahigit 27.6 milyon ang nag-enroll sa mg paaralan ngayong school year 2022-2023.

 

 

Kapansin-pansing mas mataas ang nagparehistro sa mga eskwelahan ngayong taon kumpara sa 23.9 milyon noong nakaraang taon. Sa kabila nito, mas mababa pa rin ito kaysa sa 28.6 milyon na target ng DepEd.

 

 

Makikitang nakasuot ng face masks ang mga bata sa mga larawang ipinaskil ng kagawaran sa social media ngayong araw.

 

 

Kabilang na rito ang ilang paaralan sa Calapan, Dinalupihan sa probinsya ng Bataan, Caloocan City at Muntinlupa City. (Daris Jose)