Maging proud and responsible pet parents: ALDEN, nananawagan ng ‘fair treatment’ sa mga Aspin sa campaign ng PAWS
- Published on August 22, 2022
- by @peoplesbalita
NANG lumabas ang campaign ng National Aspin Day, na ini-launch ng PAWS, kinatuwaan ang post ni Alden Richards, na “I Love (heart emoji) My Aspin” na kasama ang aso niyang si Chichi.
He is the newest celebrity spokesperson who will join Heart Evangelista in promoting aspins, na ini-encourage nila ang mga owners ng asong Pinoy or aspin to be proud of their native dogs and to be responsible pet parents to them.
Chichi is the 7-year old aspin ni Alden na kasama niya sa pagpu-promote sa mga aspins and aspin adoption.
“My family has always had dogs, may pure breeds, may aspins at we love them equally. Kaya naaawa ako kapag may discrimination ang ibang tao na kapag tinanong kung ano ang breed ng alaga nilang aso, ang sagot ay “Aspin lang” o may nagsasabi pang ‘bakit gumastos ka pa sa vet eh aspin lang naman yan?’
“Malalambing kasi ang mga aspin. Minsan nga nag-pretend akong umiiyak, lumapit agad sa akin si Chichi at parang tsini-check ako, kaya dapat talaga part na sila ng family. With this campaign, I want to tell everyone na I am a proud aspin parent, na nagmamahal sa kanila.”
Meanwhile, busy na si Alden sa pagpu-promote ng bago niyang serye sa GMA, ang Philippine adaptation ng K-drama, ang “Start-Up PH,” at first team-up nila ni Bea Alonzo. This September ang world premiere nila sa GMA Primetime. At ang isa pang teleserye ni Alden, ang “The World Between Us” ay pwede na ring mapanood ng mga Kapuso natin abroad sa Amazon Freevee.
***
SA August 29, na ang world premiere ng “What We Could Be” nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at Yasser Mata, ang first local series ng Quantum Films with GMA Network.
Nang mag-guest sila sa “Unang Hirit” ng GMA-7, ibinahagi nila ang inspirasyon sa pagganap ng kani-kanilang role. Si Miguel ay lola si Celeste Legaspi at madalas daw ay hindi sila magkasundo sa mga eksena, pero sa tunay na buhay, marami raw siyang lola na nilalambing at binibiro.
Si Ysabel naman ay isang nurse sa story, alaga niya si Celeste, kaya nag-research siya at nakatulong daw sa kanya ang pagiging fan niya ng “Grey’s Anatomy.”
Si Yasser naman ay best friend niya si Ysabel sa story, na na-in love siya rito at sa tanong kung nagkaroon ba siya ng experience na nain-love sa best friend niya? Nangyari raw iyon noong nag-aaral pa siya na na-in love siya sa best friend niya, masarap daw sa feeling, pero masakit din kung hindi ka naman minahal nito.
Sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, mapapanood ang “What We Could Be” sa August 29, 8:50 PM sa GMA-7 pagkatapos ng “Lolong.”
***
FINALE week na ng “Bolera” at kaabang-abang ang mga eksena, kung tuluyan bang mabubulag si Joni (Kylie Padilla) dahil may mga oras na hindi na siya nakakakita habang naglalaro ng billiards.
Paano siya tutulungan ng boyfriend niyang si Miguel (Rayver Cruz). Manalo pa rin ba si Cobrador (Gardo Versoza) sa billiards o mahuli na siya dahil sa pagpatay niya sa ina ni Toypits (Jak Roberto) na sinagasaan niya?
Ang “Bolera” ay napapanood 8:50 PM sa GMA-7, after “Lolong.”
***
NATAPOS na pala ni Billy Crawford ang taping ng naiibang game show na “The Wall Philippines,” sa muli niyang pagbabalik sa GMA Network, kaya mapapanood na ito simula sa August 28 and every Sunday, 3:30 PM, sa GMA-7.
Kaya naman pwede nang umalis muna si Billy kasama ang kanyang mag-ina, papuntang Paris, France para mag-taping naman ng “Dancing With The Stars,” na nasa 12th season na. No problem naman kay Billy, dahil mahusay siyang magsalita ng French.
Pagbalik sa bansa, balik-GMA siya muli, dahil may gagawin din siyang isang show dito.
(NORA V. CALDERON)