• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas training magsisimula na!

AARANGKADA na nga­yong araw ang training camp ng Gilas Pilipinas para paghandaan ang fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

 

 

Magagaan na workouts muna ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas pool sa unang araw ng training sessions nito.

 

 

Hindi pa kumpleto ang pool dahil wala pa sa Maynila sina NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz at Kai Sotto ng Adelaide 36ers.

 

 

Nakatakdang dumating sa Agosto 18 si Sotto mula sa Australia habang sa Agosto 19 naman ang kumpirmadong pagdating ni Clarkson sa Pilipinas.

 

 

Wala pa ring pinapangalanang players ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) mula sa PBA dahil hinihintay pa matapos ang semifinal round ng PBA Philippine Cup.

 

 

Kaya naman inaasahang kaunti pa lamang ang makadadalo sa opening day ng training ng Gilas Pilipinas pool.

 

 

Nauna nang inihayag ng SBP ang pangalan nina Japan B.League pla­yers Kiefer at Thirdy Ra­vena, Bobby Ray Parks Jr. at Dwight Ramos, at nina UAAP players Carl Tamayo, Kevin Quiambao at LeBron Lopez.

 

 

Maliban kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, kinumpirma ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone ang pagdating nito sa training camp.

 

 

Ngunit hindi pa malinaw kung makakasama si Cone sa mismong araw ng mga laro ng Gilas Pilipinas.

 

 

Una na ang pagsabak ng Pinoy squad laban sa Asian Cup runner-up Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut, Lebanon kasunod ang pagharap sa Saudi Arabia sa Agsoto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

“I’ve been meeting with the Gilas coaches and will join the Gilas practices when they start. But I’m not sure yet if I will actually travel with them,” ani Cone.