• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marami pang kaabang-abang na eksena sa ‘Bolera’: KYLIE, nadala at pinaghusay pa ang pag-arte dahil kay RAYVER

LAST two weeks na lamang mapapanood ang top-rating primetime series na gabi-gabing inaabangan, ang first sports serye sa GMA Network, ang “Bolera.” 

 

 

Sa recent interview kay Kylie Padilla, nang tanggapin daw niya ang offer na maging isang billiard player sa serye, itinuring na niyang ito ang perfect comeback show para sa kanya, after magpahinga nang three years sa pag-arte.

 

 

Nagpasalamat siya sa viewers dahil since the start, sinubaybayan na raw nila ito, kaya in turn, pinagbuti ni Kylie ang trabaho, pinag-aralan niyang mabuti ang character ni Joni, lalo na ang paglalaro nito ng billiards, na nag-undergo pa siya ng training sa mga nanalong billiards players sa katatapos na SEA Games sa Vietnam.

 

 

Isa rin sa pinasalamatan ni Kylie ang leading man niyang si Rayver Cruz.  Hindi raw iyon ang first time nilang nagkatrabaho ni Rayver, dahil ginawa nila ang horror movie na “Dilim,” in 2014, pero bihira raw silang magkasama sa eksena noon.

 

 

“Nakita ko rito sa ‘Bolera’ na mahusay siyang drama actor, kahit minsan dito sa set, joker siya,” kuwento ni Kylie.

 

 

“Pero sa mga mabibigat na eksena namin, ang galing niya, kahit maraming distractions, tuloy pa rin siya sa pag-arte, na madadala ka at paghuhusayin mo rin talaga ang pag-arte mo.”

 

 

Marami pang aabangan ang mga viewers sa “Bolera”, isa na rito ay iyong mga oras na hindi makakita si Joni habang naglalaro ng billiards.  Totoo kayang mabubulag si Joni?  Ang tanong ng mga netizens, paano siya makapaglalaro ng billiards kung bulag na siya?

 

 

Paano ang pangarap niyang maibalik ang karangalan ng amang namatay, matapos madaya, kung magiging champion din siya?  Pero paano mangyayari iyon, kung bulag na siya?

 

 

***

 

 

MARAMI nang nag-aabang sa bagong game show na “The Wall PH,” ng GMA Network at Viva Communications, Inc., na minahal sa Amerika at very soon ay magbibigay-saya naman sa bawat Kapuso viewers.

 

 

To be hosted by Billy Crawford, ngayong August na ito magsisimulang mapanood every Sunday sa GMA-7, na ang prizes na maiuuwi ng guest player ay maaaring umabot hanggang P10 million.

 

 

Mukhang exciting panoorin ang “The Wall PH,” abangan kung kailan ang actual airing nito.

 

 

***

 

 

ANG First Runner-Up sa katatapos na Binibining Pilipinas 2022 na si Herlene Budol, ay nagsabi nang iyon daw ang kanyang huling beauty contest na sasalihan.

 

 

Pero ngayon, nag-announce na ang kanyang manager, si Wilbert Tolentino, na tuloy pa rin si Herlene sa pag-join ng mga international beauty pageants.

 

 

Mangyayari raw iyon kung may isang kandidata na hindi makakalaban sa kanilang respective international pageant sa anumang kadahilanan, si Herlene ang ipapapalit sa kanila.

 

 

Ayon pa rin kay Wilbert, nagpaalam na raw siya sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. at inihanap na raw niya ng sasalihang international beauty pageant si Herlene.

 

 

May mga nagtatanong kung babalikan ni Herlene ang showbiz habang wala pa siyang naka-schedule na international beauty contest?

(NORA V. CALDERON)