• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM at Blinken, nagkita, nagpulong sa Malakanyang

SA KABILA nang makulimlim na panahon at panaka-nakang pag-ambon ay natuloy din ang pagkikita nina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Antony Blinken sa Malakanyang, noong Sabado, Agosto 6, 2022.

 

 

Naka-iskedyul kasi ang courtesy call si Blinken kay Pangulong Marcos.

 

 

Makikita sa larawan ang paglagda ni Blinken sa  Malacañang guest book bago pa personal na makipagkita sa Chief Executive.

 

 

“The visit signifies the United States’ commitment as an ally to the Philippines, ayon sa kalatas ng US Embassy.

 

 

Nauna rito, sa pagdating sa bansa ni US Secretary of State Antony Blinken ay agad siyang sinalubong ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson at mga opisyal ng Department of Foreign Affairs.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ng  US State Department, pag-uusapan nina Pangulong Marcos at Blinken ang pagpapalakas ng kooperasyon sa energy, trade, investment, democratic values at pandemic recoveries.

 

 

Nakipagpulong  din si Blinken kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at pagkatapos ay nagkaroon ng press conference ng 1:00 ng hapon.

 

 

Naka-iskedyul din ang pagbisita ni  Blinken sa COVID-19 Vaccination Clinic at dadalo sa COVID-19 Assistance Event sa Manila ng 1:55 ng hapon.

 

 

Habang nakikipagpulong si Blinken sa civil society groups na sumusuporta sa COVID-19 efforts sa Manila bandang 2:40 ng hapon.

 

 

Binisita rin ni Blinken ang clean energy fair at dadalo sa U.S. Trade and Development Agency Offshore Wind Grant Signing sa Manila ng 3:55 ng hapon.

 

 

Nagkaroon si Blinken ng meet and greet sa mga empleyado at pamilya ng U.S. Embassy Manila sa Manila ng 6:10 ng gabi.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na bumisita sa Pilipinas si Blinken. (Daris Jose)