• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:53 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 13k katao apektado ng lindol sa Abra

LALO pang dumami ang mga naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol mula sa hilagang bahagi ng Luzon, bagay na nag-iwan na ng apat na patay at mahigit isang daang sugatan.

 

 

Ito ang pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) patungkol sa pagyanig nitong Miyerkules na siyang nagmula sa epicenter na Tayum, Abra.

 

 

Mahigit 800 aftershocks, naitala matapos ang 7.0 magnitude na lindol

 

 

Nakapagtala na ang Phivolcs ng 803 na aftershocks, isang araw matapos ang mapaminsalang 7.0 magnitude na lindol.

 

 

Sa nasabing bilang, 163 ang natunton na ang plotted, habang 22 naman ang naramdaman ng mga residente.

 

apektado: 12,945

pre-emptive evacuation: 1,248

lumikas sa evacuation centers: 541

lumikas sa labas ng evacuation centers: 567

apektadong rehiyon: Cordillera Administrative Region

patay: 4

sugatan: 131

 

 

Sa mga 131 na injured, 114 na ang kumpirmado habang 17 sa kanila ang “for validation” pa. Halos lahat ng kumpirmadong mga sugatan ay galing sa Cordillera habang isa sa kanila ay galing sa Cagayan Valley.

 

 

Papalo naman sa 857 kabahayan ang sinasabing bahagyang napinsala, habang 11 dito ang wasak na wasak. Lahat dito ay nagmula sa rehiyon ng CAR.

 

 

Aabot naman sa 17 imprastruktura ang napinsala mula sa Rehiyon ng Ilocos, Central Luzon at Metro Manila. Tinatayang aabot ang halaga ng pinsala sa P33.8 milyon sa Region 1 pa lang.

 

 

Ayon sa ulat ng dzBB, nakarating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Vigan City, Ilocos Sur ngayong umaga upang bisitahin ang mga lubhang naapektuhan ng lindol. si Marcos Jr. ay dating gobernador at kinatawan ng Ilocos Norte.

 

 

Kahapon pa lang ay nasa probinsya na ng Abra si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo upang magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng lindol.

 

 

“Nagpalabas na po tayo ng inisyal na P10 milyon cash para sa mga apektado ng lindol at dini-deliver na po ng [Department of Social Welfare and Development Province Office ang mahigit 1,000 food boxes para sa mga evacuues,” wika ni Tulfo kahapon.

 

 

“Parating pa po ang higit 10,000 [food] packs mula sa CAR Regional Warehouse… and additional cash assistance.”

 

 

Pero babala ni Phivolcs Dir. Renato Solidum, posible pang tumagal ang mga pagyanig hanggang sa susunod na buwan.

 

 

Gayunman, mas mahihina na ang mararanasan kumpara sa main quake na 7.0 magnitude.

 

 

Pinapayuhan naman ang mga residente sa high risk areas na huwag nang makipagsapalaran para manatili sa kanilang mga bahay, dahil kahit ang mga hindi bumagsak sa inisyal na pagyanig, maaari pa rin itong bumigay kung tuloy-tuloy ang aftershocks. (Daris Jose)