• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang kupas at first time makita nina Andres at Atasha: CHARLENE, muling pinamalas ang husay sa pagsasayaw at hinahamon si AGA

KAALIW at marami talaga ang natuwa sa IG post si Charlene Gonzalez-Muhlach na kung saan muling pinamalas ang galing niya sa pagsasayaw at hindi pa rin kumukupas paglipas ng maraming taon.

 

 

 

Caption ng iconic dancing queen, “Have not danced in years. It was such a pleasure to do an impromptu dance & reunite with my dance partner from Eezy dancing & Keep on dancing, Albert Dimarucut.”

 

 

 

Pagpapatuloy pa ng mommy nina Andres at Atasha, “So much fun memories I miss dancing, my VIP family & Maribeth Bichara. Who taught me everything I know about dancing.

 

 

 

“First time as well for my kids to see me dance live. It was such a special Day…”

 

 

 

Dagdag pa niya, “Just sharing my happiness with you all. Keep on Dancing everyone. Much love always.”

 

 

 

Comment naman ang guwapo pa ring asawa ni Charlene na si Aga Muhlach, “Yaaaaz!!!!!! you challenging me my love??? Hahahaha.”

 

 

Na sinagot naman niya ng, “@agamuhlach317 yes B. Let’s dance, he he.”

 

 

 

Alam naman natin noong kabataan ng busy pa ring aktor, na ang husay din nitong sumayaw. Kaya mukhang kaabang-abang ang magiging showdown nilang mag-asawa sa pagsasayaw.

 

 

 

Samantala, pinusuan at aliw na aliw nga ang mga celebrity friends niya at mga followers, na halos isa-isang niyang nireplayan. Napa-throwback talaga ang karamihan at inalala ang mga episodes ng “Eezy Dancing” at “Keep On Dancing”, na kung saan tumatak talaga sa viewers ang husay pagsasayaw ni Charlene.

 

 

 

Hindi naman nakalimutang i-promote ni Charlene ang movie series ni Aga, ang “Suntok sa Buwan” na nag-premiere na kagabi sa TV5, na kung saan kasama sina Elijah Canlas, Albie Casino at Maris Racal.

 

 

 

Mukhang promising naman ang naturang serye na produced ng Project 8 Projects at Cignal Entertainment, na literal na ‘suntok sa buwan’ ang pagbangga sa mga news program ng GMA-7 at Kapamilya Channel.

 

(ROHN ROMULO)