Nabalewala ang re-appointment ni PRRD kay Liza: TIRSO, napili ni PBBM na maging bagong chairman ng FDCP
- Published on July 6, 2022
- by @peoplesbalita
NAGING usap-usapan sa apat ng sulok ng showbiz noong Lunes, July 4, 2022, na may bagong i-apppoint si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Marami rin ang nakapansin ng post ni Direk Joey Reyes sa FB account niya na nagsasabing:
“CONGRATULATIONS TO THE NEW CHAIRMAN.
“May the coming years bring a truly meaningful and significant advancement to an industry that needs reassessment, revitalizing and reinventing.
“It is not about anybody. It is about EVERYBODY IN THE BUSINESS.”
Kahapong ng umaga, July 5, may mga lumabas na post na ang beteranong aktor na si Tirso Cruz III na ang napili at papalit kay Liza Diño bilang chairperson ng FDCP, na re-appointed pa ni Pres. Rodrigo Duterte noong Marso bago bumaba ng puwesto, na tatlong taon pa sanang maglilingkod.
Bahagi ng letter na binigay kay Liza, “Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby appointed CHAIRPERSON, FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES, for a term of three (3) years…”
Bandang ika-3 nang hapon noong Martes, nakumpirmang na natuloy na ang panunumpa ni Tirso, kasama ang bagong MTRCB Chair, ang beteranong aktor na si Johnny Revilla.
Habang na-reappoint naman si Mark Lapid bilang Chair ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).
Samantala, aware naman si Chair Liza na ang masusunod ay ang desisyon ni President Bongbong Marcos at wala siyang magagawa kundi tanggapin na lang yun.
Pinuntahan namin ang FB account niya, pero wala pa siyang post tungkol sa pagkaka-appoint kay Tirso at sa pagtatapos ng kanyang termino bilang Chairperson ng FDCP.
Nakapanghihinayang at nakalulungkot dahil ang dami pa namang nakalatag na projects sa taon ito, na hopefully ay ituloy ni Chairman Tirso.
(ROHN ROMULO)