Sobrang bastos, kaya ‘di napigilan na patulan: JANNO, minura ng isang netizen dahil sa pagbabayad ng tax
- Published on July 5, 2022
- by @peoplesbalita
DAHIL sa IG post ni Janno Gibbs tungkol sa pagbabayad ng tax, minura siya ng isang netizen,
Sa post ng singer-comedian, “Bayaran na naman ng Tax.
“Buti pa mahirap, walang babayaran.
“Buti pa mayaman, maraming paraan.
“Kawawa middle class, walang takas.
“Buti na lang wala akong trabaho (rolling on floor emojis).
“Buwis-et (laughing emoji).”
Ni-repost ni Janno sa Instagram account niya ang isang Facebook post ng netizen na kung saan minura-mura siya.
Sabi ng matapang na basher na sinasabing solid supporter ni Pangulong BBM at VP Sara, “Hoy Janno Gibbs lahat tayo ay nagbabayad ng tax b*w*k*ng i*a ka moving on.”
Hindi nga napigilang patulan ni Janno ang basher na ganun-ganun na kung makapanlait ng kapwa.
Kaya naman bumuwelta ang TV host…
“Ganito na ba talaga tayo ngayon? (disappointed faces emojis).
“Oo vocal ako sa mga social at political views ko. Pero laging mahinahon, disente at may halong komedya.
“Dahil sa vocal ako, alam kong may kaakibat itong kritisismo at open ako dito. Handa ako sa masinsinang diskurso.
“Yun nga ang pakay ko e. Basta’t disente ang usapan.
“Pero kung bastos ka, marunong din ako nu’n, P*k*n*ng i*a mo ka!”
Kasama ang mga hashtags #paumanhinsalenguahe at #yunlangnaiintindihannila.
Umapaw naman ang komento sa IG post ni Janno at magkakaiba man ang naging reaksyon ng mga netizens, mas marami ang kumampi sa kanya at nagsabing ‘wag na lang patulan ang mga trolls at mag-stoop down sa kanilang level.
Say nga isang netizen, “BBM at Sara supporter din ako pero dapat hindi ganyan kaloka, respeto pa jusko mga tao talaga ngayong tsk!”
“Nakakasuka na talaga kabastusan ng iba dyan… napaghahalata talaga mga walang breeding.”
“BBM/SARA ako pero grabe naman yan. Parang walang respeto at pinag-aralan. Pagpasensyahan niyo na po sir idol Janno.”
“Haist people now a days… nanalo na nga mga manok nila pero putak pa din ng putak.”
“You’re just voicing out… ano naman??? mga tao ngayon makapag-comment lang bastos pa… busseetttt!”
“Fight lang sir. Hayaan mo silang ma-highblood sa mga posts mo. Parang sila ang may-ari ng Pilipinas mga impakto na yan.”
Na sinagot naman niya ng, “Salamat! Respetado at tanggap ko ang BBM/Sara supporters.”
(ROHN ROMULO)