• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangarap niya na maging ganap na housewife: IVANA, maraming beses nang naloko at ginawa pang ‘sugar mama’

SA kabila ng sexy image kunsaan nakilala si Ivana Alawi, inamin nito na ang pangarap niyang talaga, maging isang housewife.

 

 

 

Yes, ito ang inamin ni Ivana nang mag-mukbang vlog siya sa Youtube ni Dra. Vicki Belo. Biro pa ni Ivana, “since birth” ay dream na raw niyang talaga ang maging isang ganap na housewife.

 

 

 

Paliwanag naman ni Ivana kung bakit pagiging housewife talaga ang pangarap niya, “Feeling ko, masaya ko sa bahay. Masaya kong magluto, masaya kong magsilbi. So, nae-enjoy ko siya. Parang yung dream ko no’n, hindi siya para sa akin.”

 

 

 

Ang tinutukoy ni Ivana ay ang pag-aartista dahil dati raw kasi, kapag kasama siya ng kapatid na nag-o-audition, halos sa lahat, nakukuha si Mona Alawi, pero siya ay hindi.

 

 

 

“Parang yung dreams ko noon, hindi siya para sa akin, yung pag-aartista. Sabi ko, kay Mona lang siguro. Kasi, lahat nang ino-audition niya, nakukuha siya. Lahat ng ino-audition ko, hindi ako nakukuha. Sabi ko sa kanya, ‘Oy, Mona, gandang mukha, laging accept.’”

 

 

 

At siyempre, kung pagiging housewife ang pangarap ni Ivana, given na kailangan ang una niyang mahanap muna ay “husband.”

 

 

 

Sa tanong kung ano ang ideal man niya, mabilis na sagot ni Ivana, “Hindi manloloko. Hindi babaero at saka, mahal ang pamilya.”

 

 

 

Inamin naman niya na maraming beses na raw kasi siyang naloko ng mga lalaki. May time pa raw na pag-amin niya, “Ginawa akong Sugar Mama.”

 

 

 

***

 

 

 

KINAIINGGITAN ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro na ngayon ay nasa South Korea na sa loob ng dalawang buwan para sa taping ng “Running Man PH” ng mga kasamahan niyang artista.

 

 

 

Tinutukso at hinihiritan si Glaiza sa kanyang Instagram account ng ilang celebrities dahil sa ipinost niyang bouquet of flowers na paandar sa kanya ng kanyang Irish husband na si David Rainey.

 

 

 

Caption ni Glaiza, “To the ever-supportive husband, @david_rainey89, thank you. Wish you were here with me. Nado saranghae.”

 

 

 

Kaya hindi lang talaga si Mikael Daez ang may asawang hindi makakasama ang misis niya, si Glaiza rin sa kanyang mister, though, sa kanilang dalawa, mas sanay na rin si Glaiza na LDR sila ng mister.

 

 

 

Sa comment section, mga hirit kay Glaiza ng mga kaibigang artista. Una na si Gabby Eigenmann na, “Naapakan ko yung buhok mo ning…”

 

 

 

Napa- “Grabe” naman si Yasmien Kurdi.

 

 

 

At mga heart emojis sina Rita Daniela, Rabiya Mateo at Iza Calzado.

 

 

 

Sey naman ng co-runner ni Glaiza na si Lexi Gonzales, “Yung mga langgam!!!”

 

 

 

(ROSE GARCIA)