• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ukrainian tennis player Elina Svitolina tigil muna sa paglalaro para tulungan ang mga mamamayan

TUMIGILĀ  muna sa paglalaro si Ukrainian tennis player Elina Svitolina para tutukan ang pagtulong sa mga mamamayan na naiipit sa pananakop ng Russia.

 

 

Patuloy ang ginagawa nitong pangangalap ng pondo at pagbibigay ng impormasyon sa kinakaharap ng kaniyang bansa.

 

 

Mabigat aniya sa loob nito dahil sa kabilang ang pamilya nito na apektado ng nasabing kaguluhan.

 

 

Isinilang ang 27-anyos na tennis player sa Odessa ang pangunahing pantalan na hinarangan ng Russia.

 

 

Noong 12-anyos ito ay lumipat siya sa Kharkiv kung saan wala itong magawa dahil sa nasabing kaguluhan.