• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nets pumayag ng pakawalan si Irving

PUMAYAG  na ang Brooklyn Nets sa hiling ni Kyrie Irving na siya ay payagan na malipat sa ibang koponan.

 

 

Ayon sa kampo ng 30-anyos na si Irving na mayroong ng go-signal ang Nets para sa trade.

 

 

Mayroong hanggang June 29 ito para sa kaniyang $36.9 milyon player option.

 

 

Sa tatlong taon nito kasi sa Nets ay naglaro lamang siya ng 103 regular season kung saan 123 games ito hindi nakapaglaro dahil sa injury, personal reasons at sa pagtanggi na mabakunahan laban sa COVID-19.

 

 

Nauna rito ilang koponan sa NBA ang nagpahayag ng interest na makuha si Irving gaya ng Los Angeles Lakers, Clippers, Dallas Mavericks, New York Knicks, Miami Heat at Philadelphia 76ers.