• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:57 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oil price hike sa gasoline nasa ika-4th week na, habang nasa ika-5th week naman sa diesel at kerosene

NASA  ikaapat na linggo na ang pagtataas ng presyo ng gasolina habang ito naman ang ikalimang linggo ng price adjustment ng sunud-sunod sa presyo ng diesel at kerosene.

 

 

Muling magpapatupad ng panibagong umento sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa kung saan umaabot na sa halos P100 ang kada litro.

 

 

Sa advisory na inilabas ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., magtataas ng P0.50 kada litro ang presyo ng gasolina habang P1.65 kada litro sa diesel at P0.10 kada litro ng kerosene.

 

 

Magpapatupad rin ang Cleanfuel ng parehong umento sa presyo ng gasolina at diesel maliban sa kerosene na wala sa naturang oil firm.

 

 

Magiging epektibo ang panibagong oil price hike sa lahat ng kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes, June 28 dakong alas-6:00 ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng bagong oil price bandang alas-8:01 ng umaga sa parehong araw.

 

 

Pinakamaagang magsasagawa ng implementasyon ng oil price hike ang Caltex dakong alas-12:01 mamaya ng madaling araw. (Daris Jose)