• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:51 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WFH ituloy para tipid gasolina, gastos sa pamasahe

IGINIIT ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga ahensya ng gobyerno, pati ang mga pribadong kumpanya, na ipagpatuloy ang flexible work arrangement para makatipid sa gasolina at pamasahe at mapabuti ang lagay ng mga empleyado.

 

 

Ipinagmalaki ni Gatchalian na itinuloy ng kanyang opisina ang work-from-home arrangement upang makatipid sa gasolina, makaiwas sa masikip na trapiko, makatipid sa oras, at maiwasan ang hirap ng pag-commute araw-araw papasok sa trabaho.

 

 

Ang ganitong setup aniya ay mapapakinabangan din ng mga employer dahil makakatipid sila sa mga gastusin ng kumpanya.

 

 

Dumarami na rin aniya ngayon ang mga hindi bumibiyaheng pampublikong sasakyan dahil sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

Bago pa maglabas ng resolusyon ang Civil Service Commission (CSC) na nagpapahintulot sa flexible work arrangements sa mga ahensya ng gobyerno, sinabi ni Gatchalian na ipinatutupad na ito ng ilang pribadong kumpanya.

 

 

Para mapalawig pa ang flexible work arrangement, nais ni Gatchalian na maisabatas ang kanyang panukala na magbibigay ng tax incentives sa mga empleyado na naka-WFH o telecommuting program at income tax deduction sa mga employer. (Daris Jose)