• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Peak sa kaso ng COVID 19, maaaring mangyari sa unang linggo o ikalawang linggo ng Hulyo base sa projection ng OCTA Research

NANAWAGAN ang OCTA Research sa publiko na mag-ingat sa gitna ng nakikita nitong pagtaas sa kaso ng COVID 19.

 

 

Sa Laging Handa public briefing,  sinabi ni  Dr. Guido David ng OCTA  na may  projection  sila o pagtataya na baka mangyaring maranasan ang peak sa kaso ng Covid-19 sa  first o second week ng Hulyo.

 

 

Sa kasalukuyan,  posibleng umabot sa pagitan ng 500 at 1,000  ang seven-day average sa Metro Manila mula sa 225 cases.

 

 

Ani David, kapag ganito aniya ay  puwedeng masabing nasa moderate risk na ang sitwasyon bagama’t ang mas dapat na bantayan ay ang hospital utilization para sa aspeto ng pagtataas ng Alert level.

 

 

Kaya upang hindi aniya masyadong tumaas ang kaso paalala ni David, dapat pa ring mag-ingat at i-obserba ang minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask.

 

 

” Yes, iyong bilang ng kaso, iyon nga nabanggit natin 225 cases iyong seven-day average sa Metro Manila. Possible itong tumaas between 500 and 1,000 and by end of June or first week of July. So, kapag ganyan, USec., masasabi na natin baka nasa moderate risk nga iyong situation natin. Although, kahit naman moderate risk effect, iyon nga iyong pinakamo-monitor natin for alert levels, iyong hospital utilization,” ayon kay Dr. David.

 

 

“Pero, tumataas iyong bilang ng kaso, USec., hindi pa natin nakita iyong pagbaba niyan anytime soon, baka iyong peak, it could happen sometime first or second week of July.  Kaya para matulungan natin na hindi masyadong tumaas iyong kaso, iyong pag-iingat nga natin,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)