Mga trabahong inalok sa nationwide job fair ngayong araw sa Araw ng Kalayaan, halos nasa 150-K na – DOLE
- Published on June 13, 2022
- by @peoplesbalita
PUMALO sa halos 150,000 na local at overseas na mga trabaho ang inalok sa idinaos na nationwide job fairs kahapon, June 12, na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasuim sa Malolos City.
Ito ay bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.
Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE), umabot na sa 149, 102 ang bilang ng mga job opportunity sa bansa mula sa 1,160 nakiisang mga employers sa bansa.
Ayon sa kagawaran, 111, 351 sa mga ito ay pawang mga local employment tulad ng mga trabahong production operator, customer service representative, microfinance officer/loan officer, sewing mechanic, karpintero, at iba pa.
Habang ang iba naman ay foreign-based na mga kumpanyang mula sa United Arab Emirates, Bahrain, Qatar, Kuwait, Singapore, Taiwan, Japan, Germany, United Kingdom, at Australia na mga nurse,factory worker, household service workers, karpintero, electrician/mason, at cleaner.