Marcos, ipagpapatuloy ang giyera laban sa illegal na droga ‘with respect for rights, focus on rehabilitation’- diplomat
- Published on June 13, 2022
- by @peoplesbalita
NANGAKO si President-elect Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy niya ang sinimulang giyera ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte laban sa illegal na droga na may paggalang sa karapatang-pantao at nakatuon ang pansin sa rehabilitasyon.
Sinabi ni Ambassador Annika Thunborg of Sweden, ipinahayag ni Marcos ang usaping ito sa kanilang meeting kung saan tinalakay ang “the rule of law, human rights, and the war on drugs,” at iba pang paksa.
“We also touched upon political affairs and importance and the strong commitment that has been expressed by the President-elect to conduct the war on drugs within the framework of the law and with respect for human rights and focus on rehabilitation and socio-economic development,” ayon kay Thunborg.
“It is]something that is very much appreciated on my government’s side,” dagdag na pahayag ni Thunborg.
Tinalakay din sa miting ang “importance of collaborating among nations based on international law” at “transnational collaboration to handle challenges… such as the global drug trade, transnational crime and the pandemic”, ayon kay Thunborg.
Nauna rito, sinabi ni Marcos na pagtutuunan ng pansin ng kanyang administrasyon ang pagtugis sa mga drug lords, sa halip na mga small players.
Sinabi pa niya na itutulak niya ang pagpapabuti sa rehabilitation centers para sa mga durugista o drug users at gamutin ang mga ito bilang pasyente sa halip na isang kriminal. (Daris Jose)