• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Championship experience gumana na! Celtics tinambakan ng Warriors sa game 2

MATINDING opensa at mahigpit na depensa ang ginamit ng Golden State Warriors para gantihan ang Boston Celtics, 107-88, sa Game Two ng NBA Finals.

 

 

Humataw si Stephen Curry ng 29 points kasama ang limang three-point shots para sa 1-1 pagtabla ng Warriors sa Celtics sa kanilang best-of-seven championship series.

 

 

Tumipa si Curry ng 14 points sa third period tampok ang tatlong triples para sa pagtatayo ng Golden State sa 87-64 bentahe laban sa Boston.

 

 

“We got off to a better start defensively where we made an imprint on the game and they felt us more than they did in game one,” ani Curry.

 

 

“Our third quarter was great and we got a bit more separation that made the fourth quarter easier tonight,” dagdag pa ng NBA Three-Point king.

 

 

Nag-ambag si Jordan Poole ng 17 points para sa Warriors at may 12 at tig-11 markers sina Kevon Looney, Andrew Wiggins at Klay Thompson, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Umiskor si Jayson Tatum ng 28 points sa panig ng Celtics habang may 17 markers si Jaylen Brown at 12 points si Derrick White.

 

 

Nalimitahan naman sina Al Horford at Marcus Smart, bumida sa kanilang panalo sa Game One, sa tig-4 points.

 

 

Magtutungo ang Gol­den State team sa Boston para sa Game Three sa Huwebes (Manila time) at Game Four sa Sabado (Manila time).

 

 

Paggamit ng boxing gloves nina Pinoy champ Nonito Donaire at Japanese boxing star Naoya Inoue, nahaluan ng kontrobersya

 

 

Hinahabol pa rin ng kontrobersiya ang rematch ng dalawang kampeon na sina Japanese star Naoya Inoue at Nonito “The Filipino Flash” Donaire.

 

 

Ito ay matapos pumasa ang dalawa sa opisyal na pagtimbang kanina.

 

 

Si Inoue ay eksakto lamang sa 118-pound division limit, habang si Donaire ay mas magaan sa 117.8 pounds na timbang.

 

 

Bukas na ang inaabangang rematch ng magkaribal kung saan nakataya ang tatlong korona na WBC/WBA/IBF bantamweight title.

 

 

Ito ay unification bout na magaganap sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.

 

 

Kanina sa harapan ng magkabilang panig, hindi nagkasundo ang kanilang mga kampo sa uri ng brand ng boxing gloves na gagamitin.

 

 

Galit na galit pa si Donaire dahil hindi nakaselyado raw ang gloves na gagamitin ng Japanese superstar.