Bilang ng mga nagugutom sa bansa tumaas – SWS
- Published on June 8, 2022
- by @peoplesbalita
TUMAAS ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagugutom.
Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey na mayroong estimated na 3.1 milyong pamilyang Filipino o 12.2% ang nakaranas ng gutom sa nagdaang tatlong buwan.
Isinagawa ang surver mula Abril 19-27 kung saan mas mataas ito noong Disyembre 2021 na mayroong 11.8 percent.
Sinalihan ito ang face-to-face interviews ng 1,440 adults na balance sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.
Naranasan ang mataas na bilang ng tag-gutom sa Metro Manila na sinundan ng Mindanao, Luzon at Visayas. (ARA ROMERO)