• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:22 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo, balik Pinas matapos ang graduation ng anak sa US

BALIK-Pinas na si Vice President Leni Robredo mula Estados Unidos kung saan dumalo siya sa graduation ng kanyang anak na si Jillian.

 

 

Si Robredo, kasama ang kanyang anak ay dumating sa Ninoy Aquino Terminal 1, alas-10:30 ng gabi, araw ng Sabado.

 

 

Nag-alok naman ang mga airport authorities ng courtesy assistance para kay Robredo subalit tinanggihan nito at sumailalim sa “usual” arrival process kasama ang ibang pasahero.

 

 

Nagpakuha naman ng litrato ang mga airline workers at mga pasahero kasama si Robredo.

 

 

Isang driver naman ang sumundo sa pamilya Robredo matapos ang airport arrival procedure.

 

 

Sa ulat, nagtapos si Jillian, anak ni Robredo mula sa New York University na may “double major in economics and mathematics.” Lumipad patungong Amerika ang pamilya Robredo noong Mayo 14.

 

 

Sa Facebook post, Linggo ng tanghali, sinabi nito na handa na siyang muling harapin ang kanyang trabaho matapos ang “longest vacation” na mayroon siya sa loob ng 10 taon.

 

 

“It was the first trip where we had no agenda at all, except Jillian’s grad and when we tagged along Tricia’s meetings in Boston. We just walked and walked everyday, averaging about 15,000-20,000 ++ steps everyday. At kumain lang ng kumain,” ang nakasulat sa caption nito, nagbahagi ng kanyang larawan kasama ang kanyang anak sa nasabing byahe.

 

 

Nagbahagi rin si Robredo ng ilan sa kanyang naobserbahan habang nagbi-byahe sa New York, nagpahayag din ng pag-asa na makakamit din ito sa Pilipinas. (Daris Jose)